“88” (FILIPINO VERSION)
Isinalin ni Danilova R Molintas sa Filipino mula sa Ingles.
Pambungad:
Mahiwagang numero ang 88.
Ang anyo ay nagiging kahungkagan at ang kawalan ay nagkakaanyo. Ito ang sikulo ng buhay.
Sa isang awit na pinangalanang “88,” Ang D_yos ay hindi nagpapakita upang tubusin ang araw, ngunit ang mang-aawit ay kinakalimutan at iniiwan ng kanyang mga kaibigan at kasintahan.
Inaabandona tayong nakabitin — nagdadalumhati’t walang pag-asa — mula sa bitayan ng Nakabiting Hardin ng Babilonya.
Matapos ng pakikibakang ito laban sa Korporatistang Estado, ang pagtanggi ng mga kaibigan at kasintahan lang ba ang ating mapapala, o makakakita ba tayo ng kaunting pagtubos?
Kailangan nating maging matatag, maging mapagbatid sa harayang hindi kinikilala ng Korporatistang Estado: na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga tao mismo. Datapwa’t, nasa kamay ng mga taong gising, mga taong may malay.
Narito ang 88 na tinik sa alambreng tinik ng ating pagkabihag; mga tinik na gigising at uudyok sa atin na pumiglas tungo sa kalayaan.
1. Kapag marahas ang isang Estado sa sarili nitong mga mamamayan, hindi ito magdadalawang-isip na sumalakay sa labas ng kanyang mga hibaybay. Masamang kapitbahay ang Estadong marahas.
2. Ang Korporatistang Estado ay mismong pinahiwatig ng pangalan nito — isang Estado ng mga korporasyon, para sa mga korporasyon at ng mga korporasyon, (na hindi mapupuksa mula sa lupa?), kung saan ang lahat ng bagay at tao ay mga kalakal.
3. Ang relihiyon ay ang pagdomina ng espiritwalidad at ang politika ang pagkontrol ng kalayaan.
4. Ito ay isang panahon na kinalimutan tayo ng D_yos. Minsang sinabi sa akin ng aking ama, "Nagsusulat ako upang makalimutan na nilimot ako ng D_yos."
5. Ito ay panahon ng pagluha para sa ating mga anak, sa dahilang sila ay nag-ibang anyo, naging mga aparisyon, at mga artepakto ng pagkatao — at hindi tao mismo. Sumuko sila sa peer pressure — wala na sila sa ang kanilang mga sarili.
6. Ang espirituwalidad ay kinokontrol ng mga taong naniniwalang ang katotohanan ay marupok. Ang kalayaan ay kontrolado ng mga taong naniniwalang ang kalayaan ay dapat gamitin para paglinkuran ang mga pangangailangan ng mga makapangyarihan.
7. Ang pamamahala ay ang kapangyarihan ng ilusyon at pagkukunwari, pinapalaganap ng propaganda; Kung saan ang bawat isa ay naniniwala na sila ay natatangi, ngunit lahat ay umaalinsunod at magkatulad.
8. Ang erotika na walang espirituwalidad ay ang katawan lamang bilang isang kalakal, at tunay na isang uri ng kolaborasyon.
9. Kung ang demokrasya ay ang siyang nagbubukod sa atin mula sa mga ‘mabagsik na tao’, tiyak ay na mapapahamak tayo lahat.
10. Ang pagbubukod ng ‘kaliwa’ sa ‘kanan’ sa pulitika ay tumutulong sa pagtaguyod ng liberalismo, dahil sa hindi niya paghamon nito. Pinapanatili ng demokrasya ang ilusyon na mayroong malayang kaloobang mamili sa talagang walang pagpipilian. John Dunn
11. Matapos wasakin ng makina ng Estado ang ating pagkatao, ibinabalik ng erotica ang ating mga katawan mula sa pagiging manhid.
12. Ang layunun ng Estado ay hindi ang paglikha ng kalayaan ngunit ang pag-aalipin: sa kapakanan, seguridad, trabaho, hangarin, pagkakakilanlan. Nihilismo ang bunga ng pagtanggi ng Estado ng mga pananagutan, matapos lumikha ng mga naturang mga pagkagumon sa mga mamamayan nito.
13. Ang indibidwalismo ay ang paraang ginagamit para mapahiwalay ang mga tumututol. Ito ang may kagagawan ng krises sa pagkakakilanlan ng ating panahon. Ang pagkakakilanlan ay nangangailangan ng kaugnayan, ngunit kailangan din ng pagbabaklas mula sa mga kwalipikasyon at hapapbuhay. Ang tanong na 'Sino ako' ay sumasaling sa kaibuturan ng aking pagkatao, hindi lamang sa mga kilos ng aking katawan!
14. Nais ng bawat tao na maging 'indibidwal', ngunit ang lahat naman ay umaalinsunod sa sa panggigipit ng pamantayan sa larangan ng sekswalidad, espirituwalidad, kapaligiran, pulitika ng Estado; sa pangtingin sa “Naiiba” bilang panganib.
15. Nang sinulat niya ang tula tungkol sa katapusan ng mundo, si San Juan ay nasa "Diwa ng Araw ng Panginoon." Hindi na masama ang panumbasang 1:7 para sa tagumpay!
16. Ang pagiging mamamayan ay nauukol sa salapi. Kung wala kang pera, wala ka ring bayan.
17. Ang Pagsasalaysay ay nagsisimula sa paghihinagpis ng mundo, ngunit humahantong sa pagpahayag na maaaring lumikha ng Bagong Mundo.
18. Hindi matutulad ang Bagong Mundong ito sa guniguning mala-Disneyland ng 'Simulacra and Simulation' ni Baudrillard – isang kathang pilit na itinutulak upang malito ang mga taong umaalis sa Disneyland at maisip nilang totoo ang mundong binabalikan nila. Ang Bagong Mundo ay ang mismong pagpuksa nitong Will to Power.
19. Pagmamanupaktura ng Pagsang-ayon sa pamamagitan ng paglikha ng isang mundo ng mga guni-guni, libangan, dibersyon, upang hindi maisip ng mga tao ang mga 'tunay' na mga isyu.
20. Sa mga Estadong Totalitaryo, maaaring magaspang ang propaganda sa dahilang maaari mong kontrolin ang kawan sa pamamagitan ng puwersa.
21. Midyang pangmasa – ang madla ay ang mismong produkto. Lumilikha ang midya ng dibersyon, pag-iisa, pagkintal para sa produkto. Ang nalitong kawan ay nakatulog.
22. Ang Pagkontrola ng Kaisipan sa mga lumang lipunang demokratiko kagaya ng USA ay natamo na walang karahasan dahil sa pagsang-ayon ng mga mamamayang handang ipagtanggol ang kanilang bansa.
23. Hindi mahalaga ang lahi sa panahon ngayon. Nababahala lamang ang Estado sa kapakanan ng mga may pribilehiyo. Tama ba na ang mga taong tumuturing sa buong bansa bilang pag-aari nila ang mga mamuno?
24. Anong klaseng propaganda ang kinakailangan para makontrola ang kawan sa isang Korporatistang Estado? Dumarating ito sa isang bagay lamang. Ang presyo: Ang pagpapalayaw at ang konsiyensya ay nakabatay sa isang bagay – ang pagiging abo’t-kaya.
25. Sa Korporatistang Estado, ang konsensiya ay nababatay sa isang bagay -- ang presyo. Kung kaya mong bilhin ito, ang pagsisisi ay hindi magiging problema.
26. Ano ang presyo nito? Maaaring anumang bagay. Ang sinuman ay maaaring lapitan ng may pera, at maaaring hilingin na ipamigay ang kanilang anak na babae, o asawa, damit o anumang bagay pa na mayroon sila.
27. Ang pagtanggi sa presyong inalok para sa isang bagay ay hindi nangangahulugang hindi mabibili ang bagay naiyon. Ang kahulugan lang nito ay hindi pa nagsisimula ang tawaran.
28. Ang Will to Power ay humantong sa pagkamatay ng milyung-milyong mga tao. Sa pulitika, ang pagpapalayaw sa sarili ay hindi isang birtud, kundi isang bisyo. At ang kaaway ng kaaway ay hindi kaibigan, kundi isa pang kalaban.
29. Hindi buhay na masagana ang mayroon tayo ngayon, ngunit kalahating buhay; mababa kaysa sa karaniwan, simpleng pag-iiral.
30. Ano ang halaga ngayon ng kaligtasan mula sa kamatayan, kung walang buhay sa kabila ng kamatayan?
31. Ano ang punto ng pagkakaroon ng katawan, kapag walang kaginhawahan, walang haplos na umaalwan sa sakit ng kapighatian, o ang hirap ng isang buhay na walang bunga?
32. Paano tayo magpapahayag tungkol sa katalikang espiritwal kung walang laguyo?
33. Paano tayo magsasalita tungkol sa kayamanang espiritwal, kung ang mga buhay natin ay limitado ng ating kawalan ng yaman, ng ating kahirapan?
34. Saan ang Pagmamahal?
35. Paano tayo makapagsasalita tungkol sa kagandahan, habang tayo sinasalakay araw-araw ng mapaniil na kulay-abong kapangitan at ng kapabayaan ng ating mga kasamahan?
36. Paano tayo magkakaroon ng masaganang buhay kung wala tayong napagkukunang ?
37. Mapaalala sana sa Isa at Isa Lamang, na ang prutas ay makakain, ngunit hindi tayo mabubusog sa bulalak. Hindi tayo mabubuhay ng mga pangako; Kailangan nating makita ang katuparan, ang katuparan ng mga pangakong iyon.
38. Ang pagiging tao ay, unang-una, tungkol sa pagsisikap tungo sa katarungan para sa iba. Kung hindi mo ginagawa ito, ikaw ay bahagi ng problema.
39. Ang kawalang-bahala sa kawalang-katarungan ay mistulang pakikipagsabwatan sa maniniil, tulong sa patuloy na paniniil, at pagtanggi sa ating pananagutan sa iba.
40. Ang pagbabago ay nagmumula sa paggawa, hindi sa pagdadahilan.
41. Ang pagbabago ay hindi proseso ng kaisipan. Ang paggawa ay nagreresulta sa pagbabago sa kaisipan, at tumutungo sa pagbabago ng puso.
42. Kailangan nating turuan ang mga tao kung paano gumawa, hindi kung paano 'mag-isip'. Kumilos muna mula sa puso.
43. Tinuturuan tayo ng Korporatistang Estado kung paanong mag-isip sa kanyang paraan, na dala-dala ang kanyang mga pagpapahalaga. Nakakamit niya ito sa pamamagitan ng propaganda; sa paaralan, simbahan, mga patalastas at pahayag, sa pelikula at nobela, sa mga mensaheng pampolitikal at sa kanyang mga gawa. Ito ang Pagmamanupaktura ng Pagsang-ayon.
44. Ang pinakahuling layunin ng pag-armas ng mga mamamayan ay para mabigyang katwiran ang paggamit ng armas laban sa mga mamamayan sa mga panahon ng pagkabagabag o dimaang sibil.
45. Ang lipunang dystopian matapos ang Apokalipsis ay hindi lipunan ng ganap na kaguluhan o kawalan ng batas, ngunit isang lipunan na pinaghaharian ng Karahasang Estado, na siyang nanunupil at umuusig sa mga tao, na pinapahirapan ang mga tao hanggang sa sumuko at nagpapasailalim.
46. Ang lipunang matapos ang Apokalipsis ay Panahon ng Halimaw (Ang Estado) at ng Huwad na Propeta (Ang Relihiyon) na nagpapawalang-sala sa karahasan ng Estado at muling binuhay ang imahen nito bilang mapagkawanggawa.
47. Mas madaling masupil ang lipunang bitak-bitak o atomised. Walang pagkakaisa, walang pag-iigting, walang pagtutol.
48. Ang Hustisya ay hindi kailanmang pinaglilingkuran ng pansariling interes.
49. Ang Hustisiya ay hindi kailanmang pinaglilingkuran ng interes ng mga Korporasyon.
50. Binibili ng Korporatistang Estado ang mga kaibigan nito, at binabayaran mula sa pambansang kayamanan.
51. Binibili ng Korporatistang Estado ang mga kaibigan nito, at ang karapatang pagsamantalahin ang mga mamamayan ang ibinabayad niya sa mga ito.
52. Dahil sa takot niya sa mga tumututol, ang pahayag ng Amerika ay “nagtrabaho mag-isa” ang mga terrorista na nag-atake sa loob ng bansang iyon.
53. Bumabagsak ang Korporatistang Estado hindi dahil sa takot ng paniniil, ngunit sa nakapanghihilakbot na takot sa Tiyak na Katarungang Hindi Maiiwasan.
54. Ang kamay na bakal ng isang Iron Lady ay parehas sa kamay na bakal ng isang diktador. Dinudurog nito ang mga tao, hindi nito nararamdaman ang kanilang dalamhati. Hindi alumana ito sa kanilang hilahil.
55. Bilhan ng isda ang isang tao at mapapakain niya ang kanyang pamilya ng isang araw. Turuan siyang mangisda at mabubuhay niya ang pamilya niya habangbuhay. Datapwa’t paano na kung nais niyang maging makata, at hindi isang mangingisda?
56. Hindi libangan lamang ang pagiging makata. Habang tila libangan lamang para sa ilan ang pagiging makata, sa totoo, ang pagiging makata ay isang tunay na paraan ng pamumuhay.
57. Nagsusulat ang makata upang mabasa ng mangingisda ang bunga ng kanyang diwa at maintindihan na mayroong mga bagay sa buhay na higit pa at maliban sa pangingisda lamang.
58. Ipinapasa ng mangingisda sa kanyang mga anak ang kanyang karunungan upang sila ay maging mga makata, manunulat, mga bisyonaryo. Ito ay likas sa sakripisyo. At siya ay pinangungunahan ng kanyang asawa!
59. Ang Korporatistang Estado: Hindi ito tungkol sa katarungan, ito’y hinggil sa kapangyarihan.
60. Ang pagpapalamon ng bogus na pangangatwiran at huwad na takot sa mga mamamayan ay tumutungo sa pagdepensa ng Estado ng mga mismong nagdudusa sa ilalim nito. Ito’y katulad ng patutok ng baril sa noo mo’t habang hinihingi ang iyong boto. Hindi ka inaasahang lumaban.
61. Bakit ito nangyari? Paano ito nangyari? Ito ay sapagkat may kapangyarihan silang magsalamangka ng kaaway mula sa taong hindi naman panganib; ang mapaniwala nila ang mga tao sa kasinungalingang ito ay ang kanilang pinakadulong layunin. Ang pagsasama-sama natin paglaban sa pankalahatang kaaway na ito ay humahantong sa pagkabihag natin at pagsupil sa atin para sa pangangailangan ng 'pambansang seguridad'.
62. Hindi magkasalungat na ideolohika ang Komunismo at Kapitalismo, ngunit simpleng hindi pagkakasundo sa kung paano pangangasiwaan ang, at kung sino ang mamamahala sa, pondong salapi.
63. Ang mga ito ay mga huwag na kalagayan na nililito ang pangangailangan ng mga tao sa pangangailangan ng Estado.
64. Samakatuwid, nilinlang tayo kapag naghahayag ang Komunismo tungkol sa isang rebolusyon, samantalang ang ibig sabihin lang nito ay isang pagbabago ng burukrasya.
65. Ang tunay na rebolusyon ay isa na nagpapahintulot sa mga tao na manirahan sa kapayapaan at lumikha ng mga pamayanan ng pagkakapantay-pantay na tao, hindi ng hirarkiya.
66. Samakatuwid, nilinlang tayo kapag ang Kapitalismo ay nagsasalita tungkol sa pagkakapantay-pantay ng lipunan habang ang pinakamayamang 3% ng ating bansa ang may-ari ng 90% ng lahat ng kayamanan.
67. Ang ibig sabihin lang ng “Pantay na Pagkakataon” ay pag-aagawan para sa mga tira-tira.
68. Una, turuan ang mga bata kung paano maglaro, matapos nito, turuang silang magbasa’t magsulat. Sa wakas, turuang kilalanin ang kanilang mga katalinunan at karunungan, ang mga ipinagkaloob sa kanila, at ang kanilang mga tawag, upang magamit nila ang mga ito para sa katarungan, kapayapaan at paghilom ng mga tribo.
69. Ang lipunang Britanya ay hindi tungkol sa mga dunong at kahusayang ipinagkaloob sa iyo, ngunit hinggil sa “kung sino ang kilala mo”.
70. Ito ang paraan kung paano pinapanatili ang kasalukuyang katayuan o “status quo”, kapag lumilikha ang masamang politika ng dulang nakababagot, mga nobela at pelikula, at mga tulang nahahaling sa sarili. Kapag nakikilala ng ating diwa ang mga kamaliang ito bilang pangkaraniwang pamantayan, nabubuhay tayo ng naaayon dito; nababalisa at nalulumbay sa kawalan ng pagkakataon.
71. Huwag magulat kapag sinasamantala ka ng iyong Amo. Mamangha ka lang tungkol sa isang bagay: na sa tingin mo katanggap-tanggap lang ang magkaroon ng isang amo.
72. Sa nakaraang panahon, ang pang-aalipin ay pinipigilan ng mga pisikal na kadena. Sa ngayon, ang mga kadenang ito ay nahahanap sa patalastas, propaganda ng korporasyon at sa edukasyon. Ang mga mahahalagang hanapbuhay ay ipinamimigay sa mga propesyunal mula sa gitnang uri at sa kamaharlikaangang ng 3%.
73. Kung nais mong mapanatili ang kasalukuyang katayuan, dumaloy ka lang sa kanyang agos.
74. Lumilikha ang mga Estado at Institusyon ng mga pagkagumon. Hindi inaasahang maigpawan mo ang mga ito, ngunit inaasahan pa ngang ikaw ay maging alipin ng mga ito.
75. Dahil dito, hindi tayo inaasahang sumulong bilang politikal na tao o sumibol sa ispirituwalidad. Sa trabaho, hindi tayo hinihikayat na lumampas sa mga inatasang limitasyon, ngunit hinihimok tayong manatili sa ilalim ng kapangyarihan ng ibang tao o lupon.
76. Ang pagpapasailalim sa may kapangyarihan ay, sa espirituwal na aspeto, ibang uri ng pang-aalipin, marahil mas batayang uri pa kaysa sa mga prendang pampulitikal.
77. Hanapin ang herarkiya, doon makikita mo ang mga alipin-amo.
78. Maaring maging kumportable ang mga tao sa kanilang kaapihan. Kung ikaw ay nauna sa pagbigay ng pirasong tinapay o unang magpakain sa kanila, saiyo nila unang iaalay ang kanilang mga katapatan. Walang halaga sa kanila na ang tinapay ay ninakaw o inihurno ng mga alipin.
79. Nabubuhay tayo sa ilusyon ng paghihiwalay -- na parang ito ay totoo.
80. Hinahati-hati tayo ng Estado. Hinahalintulad nito sa demonyo ang mga mahihirap, ang mga taong nangangailangan at sa ganitong paraan lumilikha ang Estado ng paghihinala kung saan dapat may pagkakaisa’t pagkakasundo. Ito ang siyang pumipigil sa atin na maging puwersa ng kabutihan, isang mapagpalayang kapangyarihan.
81. Hindi tayo pumapayag. Ngunit ang pagtutol natin ay hindi naaaninaw ng mga awtoridad sa relihiyon at pampulitika. Ito ay magbabago kapag nagkatotoo na ang ‘Nakasisiyang Panaginip.’
82. Paiwasay dapat ang ating pagtutol. Kailangang pailalim ang ating pakikibaka; kung hindi makakahanap ang bakal na kamao ng asintahang madaling durugin.
83. Ipinapakita ng bakal na rehas and limitasyon ng tuwirang pakikibaka. Ang mga bihag na ito ay mga madaling asintahan, nahanap agad sa tutukan ng mga sandata ng gobyerno.
84. Sa pagtutol, hindi natin maaaring gamitin ang kanilang wikang korporatista. Ang makina ay hindi talinhaga para sa mga nakikibaka.
85. Pinagsamang diwa, dugo at laman dapat ang ating wika. Ito, hindi nila kayang isalin. Gaganap tayo bilang mga takas sa sarili nating bayan.
86. Dalawang bagay ang natutunan ko mula sa mga Mistiko – “M” – Mas malayong mabigat ang kabayaran ng hindi pagkilos kaysa sa kabayaran ng pagkakamali – “E”
87. At “T” – “Sa kaibuturan ng ating pagkatao ay mayroong isang tuldok ng kawakaan, hindi nababalino ng kasalanan at ng ilusyon, isang tuldok ng katotohanang wagas, isang tuldok o kislap na pag-aaring buo ng D_yos. “M”
88. Nananawagan kami sa lahat ng mga Anonymous Hackers at Coders, na nagtatrabaho sa likod ng tabing, upang matulungan kami sa mapayapang pagkilos. Ituon ninyo ang inyong 齊 upang bagbagin ang mga nang-aapi at lumulupig sa atin, sa mga nambibiktima’t bumibitag sa ating mga bata, at dumadahas sa mga mahina. Tulungan ninyo kaming kumilos para sa kapakanan ng lahat at kapayapaan.
Barista88